Comment "FIRST TIME TO TRAVEL ABROAD (Europe)" on Ninoy Aquino International Airport, Philippines

I want to share what happened when my friend and I travelled to Europe last June 17.

NAIA Terminal 1 kami. Second time ko na aalis ng bansa while yung friend ko eh first time pa lang. As in bago at wala pang tatak passport nya. Dahil medyo wala syang alam pa pagdating namin ng immigration, sya ang pinapila ko at ako na ang kumuha nang card (embarkation card ba yun) at nagfill out para sa aming dalawa. Employed ako at 1 month pa lang sa work dahil kakaresign ko pa lang sa previous job ko while this friend of mine is unemployed.

Pagdating sa immigration, sa kasamaang palad pa natapat kami sa babae na mabusisi at mukhang mataray, hindi na ako masyado tinanong. Magkasama kaming pumunta sa IO dahil gusto ko na aalalayan ko ang friend ko na first timer. Ayoko na mag isa lang sya dahil baka magisa sya. So ako din nag abot ng mga passport namin pati nung cards.

(My case)

IO: Saan ka pupunta? At sino pupuntahan mo dun?

Ako: Sa switzerland po bibisitahin namin yung tita ng friend ko.

IO: may work ka? Ano work mo?

Ako: (stated my job)

IO: Gaano kana katagal sa work mo?

Ako: 1 month po.

IO: 1 month ka palang?

Ako: Opo

At ayun hiningi nya lang company ID ko at tinignan nya. Then tatak na. Pagkatatak at bigay ng passport ko, di ako umalis at nagbantay pa rin ako sa friend ko. Tinanong lang naman sya kung papano nya naging tita yung pupuntahan namin at para masatisfy yung IO, binigay namin yung Authenticated Affidavit of Support na pinadala ng tita nya from Switzerland. Kinuha yun ng tita nya mula sa Philippine embassy sa Bern.

Binusising maige nung IO yung affidavit at pagkatapos, tinatakan na din yung passport nya. Nakaalis kami kahit wala syang work at 1 month palang ako sa current job ko.

Ang advice ko, wag magpapasindak. Wag matatakot at magdasal nang maige. Presence of mind at wag na wag ka magsisinungaling kung hindi mo kayang back upan yung mga di totoong sasabihin mo. Kung may kasama kayong aalis, iassess nyo ang inyong mga sarili kung sino ang mukhang magiging tagilid pagdating sa IO at maging ready na yung kasama na tulungan yung tagilid nyang companion.

My comment about Ninoy Aquino International Airport

(plain text only)