Comment "OEC from DOLE - True story Sec. Bello (Just sharing)" on Clark International Airport / Clark Air Base, Philippines

Picture of

OEC from DOLE - True story Sec. Bello (Just sharing)

Hello mga kapwa OFW/katraveller,

Gusto ko lang ishare yung nangyari sa GF ko yesterday sa DOLE. She was there to ask for Sec. Bello's signature for OEC. My GF will work in Bangkok as IT consultant (direct hired). She provided all the requirements needed in POEA until this signature of Sec. Bello comes along.

Here comes the story.... Nasa 15 silang nasa opisina kahapon, patiently waiting all day for Sec. Bello to meet them and their OEC sign one by one. The 12 people has been signed and My GF and the other 2 has not been signed.

My GF(IT consultant in BKK), teacher (in korea), carpenter (canada). They are all direct hired. Hindi pinirmahan ni Sec. Bello and kanilang OEC. Dahil sya daw ay hindi convinced sa mga Sweldo nila. Sabi ni Sec sa GF ko,"5 yrs kalang, IT ka, ganito kalaki sweldo mo? hindi ako convinced, kelangan ko tong iverify".. at same ang sinabi niya sa 2 pang hindi pinirmahan, teacher and carpenter,, nakakaawa ang carpenter ,, dahil sinasabi ni sec bello, bakit ganito sweldo mo? karpintero kalang,, ako lawyer, ang tagal ko na, hindi ako sumweldo ng ganito. hindi ako convinced...

Same with the teacher, "teacher kalang ganito sweldo mo.. bla bla bla"

isa lang ang sinagot niyaaaaaaaa,, iveverify nia sa POLO at dahil hnd siya convinced.

Dahil sa pagkadismaya,, lahat sila ay may kanya kanyang sagot kay sec.(pinilit nilang mag explain). My GF told him na "Sir,. to tell you the truth, nagresign ako sa company, nasa ganito na kalaki ang sweldo ko,, at nasa IT industry ako,, may iba pong mga IT nasa 250k-300k ang sweldo per month sa SG at kasing level ko lang,, ano pong mali doon?, contractor po itong inapplyan ko at malaking oil industry ang client kaya afford po nila, pinaghirapan ko po makuha ang opportunity nato,, flight ko na po ngayon weekend ,, resigned na po ako at kelangan ko bumuhay ng pamilya...bla bla.. Until.. my GF said the word "unfair".. Unfair naman po kung ssabhin niyo dapat di kami sumweldo ng ganitong kalaki..(hindi pa tapos magsalita,,nagalit na si sec).

" Don't tell me na unfair ako, di ako convinced.. kelangan ko to iverify.. wag nio kong pinapangunahan,, karpintero kalang, teacher kalang,, ganito sweldo mo? ververify ko to.. at hindi ko alam kung kelan ko mappirmahan to,, wag nio sabhin sakin na flight nio na dahil wala akong pakielam." galit daw si sec at nakasigaw,.. talagang matatameme ka kapag ikaw kaharap dahil alam mong mataas sya.. Naiiyak nadaw ung teacher na magwwork sa korea..

SAbay tanong ni sec "Bat kayo may flight na?"

Sabi ng GF ko at ng teacher, sir.. kasi po requirements sa VISA at sa POEA...

(naiinis ako bakit di alam ng DOLE ang proseso)

sinubukan pa nilang mag explain kay sec. bello.. tulad ng ,," sir kung gusto nio,, papakita ko po yung current payslip ko ngayon pero malaman nio na 6digits napo sweldo ko dito palang"..

Sabi ni sec " wala akong kelangan sa inyo,, ako mag vverify neto,, wala ako kelangan na details .. bla bla bla.."

wala silang nagawa... kundi umuwi ng luhaan at mag bakasakali at maghintay kung kelan O kung mappirmahan ba talaga ang kanilang OEC..

(Gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko sa ating proseso..bakit ganoon satin? unang una,, sige naiintindihan ko,, ivverify mo dahil baka sakaling malaki ang sweldo sa papel pero di naman papaswelduhin ng employer ng ganon talaga, which is nangyyari sa ibang bansa ayon sa mga news nappanuod ko,, tulad ng middle east.. pero naman,, corporate world ung papasukan ng GF ko.. at since nasa DOLE ka,, alam mo dapat ung trend ng mga industry,, pag dating sa swelduhan ng mga employees,, tama bako mga ka OFW? ,, sabi pa niya na ivverify niya? ni wala syang pinanghawakan at sinabi man lang,, na pending to sakin,, mag wait kayo hanggang ganitong araw.. WALA.. para kang iniwan sa ere.. ano nalang ssabihin ng company na inplayan nila sa ibang bansa? sa katunayan,, nireffer ko ang aking GF dito sa bangkok, same company... at alam ko kapag vinerify man nia,, siguradong pasado eh.. kaso di namin alam kung ivverify talaga o HINDI.. kasi parang wala syang pakiealam.. sobrang panget ng proseso natin.. naaawa ako sa mga tao na gusto mangarap.. bat haharangan ng ganong kahigpit,, di ba niya naisip na pwedeng umatras ang mga employer/company? di man lang nia cinonsider na wlang trabaho na yung tao na naghhintay sa kanya..

.. sobrang nakakadismaya mga ka kaOFW/traveller... this is a true story.. kahit ako nagulat,, di ko alam na ganon mag salita si sec bello na iddown ka niya,, "karpintero kalang ! teacher kalang! lawyer ako! tapos ganito sweldo mo?" WTf....

- anonymous

Log in to leave a comment