Comment "Agree ako dun sa comment sa baba haha" on Ninoy Aquino International Airport, Philippines

Agree ako dun sa sinabi nung isa. Madaming IO mahilig mangpowertrip (paulit ulit na tanong, mabusisi sa documents, paikot ikot tanong) pero yun kasi ang effective way para hulihin if nagsisinungaling ba yung tao. I don't get it bakit ka kakabahan if wala ka namang gagawing mali? I mean hindi mo ba kayang sumagot ng maayos and be confident? Kasi kahit tourist ka talaga pero barok ka magsalita kahit sino magdududa sayo. Siguro bago ka magprepare ng documents mas mabuti kung sarili mo muna ihanda mo. Build your confidence. Learn English and speak it fluently and most importantly, WAG NA WAG KANG MATATAKOT SA IO.

Based on my experience ganito madalas scenario ko sa harap ng IO:

IO: san ka pupunta? (while looking at my ticket and passport)

Me: (name of country)

IO: Sino kasama mo?

Me: I'll be travelling solo po sir/maam

IO: Bakit ka pupunta dun?

Me: I just wanna visit the country's historical sites (I like answering it specifically to my purpose - concerts, tourist attractions, aattend ng event, etc.)

IO: Saan mo nalaman about dyan? (I find it weird kapag tinatanong to pero just answer it anyway)

Me: History Channel (HAHAHAH ODIBA PASOK)

......

IO: (tatak passport and picture time na)

Me: Thank you sir/maam!

Odiba? Basta wag ka lang kabahan. Madalas ako matapat sa IO na masungit kahit anong iwas ko haha pero palagi ko lang iniisip na wala silang magagawa para harangin ako kaya just answer them ng maayos and you'll be fine.

My comment about Ninoy Aquino International Airport

(plain text only)